Wednesday, December 31, 2008

Balak

Ayun!

May bagong blog uli ako. Ito ang pangatlo.

Bago ako nagumpisa ng mga ibang blogs ko, nagsusulat ako ng maliit na "personal journal." Pen and paper ang paraan. Nagumpisa akong magipon ng mga sulat sa mga 2006. May tatlong notebooks ako at pinagisipin ko ang "paper-less."
Ayaw ko na may maraming kalat.
Habang ayaw kong maghinto sa paggagamit ng pen and paper, kailangan ko din ibago ang ayatem ko,.

Ikaw na nagbabasa nito, paunamanhin ninyo ako at wasak ang paggagamit ko ng ating wikang Tagalog. Sa Zobel, talagang nahihirapan ako sa Filipino. Malalim ang wika natin at nais kong magsulat sa wika ko. Nakikita ko gaanong malawak ang dating ng English at kaunting natatakot ako na maaaring mawawala ang ating wika.

Nais kong larawan ang mga nararanasan ko dito bilang Filipino citizen, naturalized American. Nakakatuwa ang pagsasagot ng mga tao sa pagsasalita ko.


Lumilingon ako at nakikita ko ang sarili ko sa huling taon. Talagang mabilis ang panahon. Buti na lang, kaya kong bilangin lahat ng nagiba at lahat ng mabuti. Ang bilang ng pinagpapasalamat natin lang ang sukat ng pagunlad natin.

Nagwawala uli ako.


Ito ang sibol ng bagong panahon.