Wednesday, April 15, 2009

Wikang nalimutan

Akala ko wasak na wasak ang Tagalog ko.
Kagabi, nasa internet ako at natisod ko ang GMANews.tv
Nabasa ko ang balita sa kababayan natin na binalik sa atin at nakalimutan niya ang wikang pinoy. Labing tatlong taon siya sa Japan.

Nagpapasalamat lang ako na mahal ko ang sariling wika, kahit kung kaunti lamang ang taong nakakasalita sa kapaligiran ko.

Sunday, April 12, 2009

Nuno



Sa gitna namin ni tito ay si Mamang. Siya lang ang naiiwan ng mga ninuno ko.
Isang araw, tinawagan ang iPhone ko. Di nasasagot ang iPhone habang naglalako ako. Siempre naman, di umiiwan si Nanang ng pahabol.
Ito pa ang hadlang:
noon kalilipat ko sa States, may tumawag kay Dad at Nanang. Di ko alam ano ang sinabi sa kanila ngunit nararamdaman ko na masama ang balita. Nagtanong ng nagtanong ako. Siempre, kulit pa. Walang sagot. Sa susunod na buan, nahayag sa akin na dumaan na si lola Flora.
Malaki ang galit ko sa loob dahil ang pakiramdam ko'y tinatago ang balita sa akin. Kahit kung ang dahilan ay upang di ako masasaktan o anuman mangyayari, galit na galit ako dahil tinatago ang katotohanan sa akin.
Tuloy, naging mabilis ang paglilibot ng balita. Sa huling taon, habang cold caller ako sa Street, sinagot ko ang tawag ni Nanang at nalaman ko na dumaan na si Mang Mando at nagkaroon ng atack si tito.
Biglaan.
Tuloy... habang ayaw kong tinatago ang katotohanan sa akin, di ako nagmamabilis sa pagsasagot ng telepono.

Sa kaarawan ni Enrique, natanggap ko ang email galing kay tita. Binabati niya si Eric sa kaarawan niya at sinama ang email ko upang mararating ang pagbati. Nabasa ko din nasa hospital uli si Mamang at malulungkot ang palagay niya.



Tapos "emo kid" pa ako at pinapakinggan ko itong awit ng Urbandub.

Kailangan kong bumalik. Kahit isa o dalawang linggo lamang, kailangan kong makikita si Mamang at ang buong pamilya doon. Nagiiba na talaga ang panahon. Di na mababalik ang horas na lumipas.
Ito lang ang nasa loob ng isip ko sa mga huling araw at sa susunod na linggo.



~ Ito ba ang simula ng huling sayaw natin? Isang ikot pa, maulitin natin?

Sunday, April 5, 2009

Panalangin

Noon maliit pa ako, nais kong aralin paanong maging pari. Habang nasa Pilipinas pa ako, alam ko na palagi kong gustong sumipot sa simbahan sa Linggo. Inaasam ko ang panahon na iyon sa mga ibang araw.
Nagiba ang mga layunin ko. Alam ko na may mararaming bawal sa mga pari. Nakita ko ano ang masamang nangyari sa pagpapalaki ng simbahan katoliko.
Sa halip ng mga ito, alam ko din na ang Panginoon ay sumisipot kung saan lang ang may tiwala sa Maykapal. Nakita ko ito sa buhay. Maliban sa mga masasamang mangyayari, nalalasap natin ang mga mabuti at matamis sa buhay. Halimbawa... nasunog ang 14 Cologne. Habang masama iyon, buhay pa kaming pamilya.
Kailangan lamang ang tamang pananaw.

Maaaring mababasa ko na paulit ulit ang mga sinusulat ko. Katulad ng pari na may sermon bawat Linggo, nagsusulat ako bawat linggo upang di ko malimutan ang mga isip na mahalaga.

Bawat pagsulat ay parang panalangin. Ang pagasa natin ay magsusulat tayo upang may magbabasa.
Mabuti din kung kaya natin basahin lahat ng sinulat natin.

...


Naguumpisa na ang "April Showers." Susunod ang "May flowers."
Habang nais kong maramdaman ang masarap na araw ng tag-init, ayaw ko na di ko siya malalasap dahil kaunti ang musika at pera.


~ Sugod na!