Sunday, April 12, 2009

Nuno



Sa gitna namin ni tito ay si Mamang. Siya lang ang naiiwan ng mga ninuno ko.
Isang araw, tinawagan ang iPhone ko. Di nasasagot ang iPhone habang naglalako ako. Siempre naman, di umiiwan si Nanang ng pahabol.
Ito pa ang hadlang:
noon kalilipat ko sa States, may tumawag kay Dad at Nanang. Di ko alam ano ang sinabi sa kanila ngunit nararamdaman ko na masama ang balita. Nagtanong ng nagtanong ako. Siempre, kulit pa. Walang sagot. Sa susunod na buan, nahayag sa akin na dumaan na si lola Flora.
Malaki ang galit ko sa loob dahil ang pakiramdam ko'y tinatago ang balita sa akin. Kahit kung ang dahilan ay upang di ako masasaktan o anuman mangyayari, galit na galit ako dahil tinatago ang katotohanan sa akin.
Tuloy, naging mabilis ang paglilibot ng balita. Sa huling taon, habang cold caller ako sa Street, sinagot ko ang tawag ni Nanang at nalaman ko na dumaan na si Mang Mando at nagkaroon ng atack si tito.
Biglaan.
Tuloy... habang ayaw kong tinatago ang katotohanan sa akin, di ako nagmamabilis sa pagsasagot ng telepono.

Sa kaarawan ni Enrique, natanggap ko ang email galing kay tita. Binabati niya si Eric sa kaarawan niya at sinama ang email ko upang mararating ang pagbati. Nabasa ko din nasa hospital uli si Mamang at malulungkot ang palagay niya.



Tapos "emo kid" pa ako at pinapakinggan ko itong awit ng Urbandub.

Kailangan kong bumalik. Kahit isa o dalawang linggo lamang, kailangan kong makikita si Mamang at ang buong pamilya doon. Nagiiba na talaga ang panahon. Di na mababalik ang horas na lumipas.
Ito lang ang nasa loob ng isip ko sa mga huling araw at sa susunod na linggo.



~ Ito ba ang simula ng huling sayaw natin? Isang ikot pa, maulitin natin?

No comments:

Post a Comment