Friday, October 23, 2009

Tahimik



Mahiyain




Tahimik din ako at tilang naman ko iyon sa mga magulang ko.
Noon maliit ako, tinutulak ako na malaki ang hangarin ko sa sarili.
"Pangulo ng Pilipinas," ang isang halimbawa.
"CEO," din at palaging Bill Gates ang nagiging halimbawa, parang siya lang ang dapat tignan.

Alam ko at malinaw sa akin ano ang kailangan kong gawin at sino ko gustong magiging.

Sa totoo, ang buhay ko ay madaling nakikita ng tao. Nagsusulat ako para maging malinaw sa akin ano ang nangyayari at mabilis ang pagbabago ng ugali kung mali ang ginagawa ko.

Ang paguulit-ulit na walang pinapalit at pag-aasahin ang ibang bunga ay ginagawa ng sira ulo.

Magiba talaga ako sa magulang at kapatid ko. Malupit lang ang pakikipagsapalaran ko. Walang Aguinaldo ni Parada na naging musikero at filmmaker. Wala din nag-lalako. Sa totoo, inaminin ni Dad na hindi siya magaling magbenta ng sarili niya. (siempre, di ko maniwala ang sabi niya dahil naibenta niya naman si Nanang :) ~ haha )

Pag naglalako, lalo na bilang stockbroker, bawal ang mahiyain. Ang nalalaman ko na kung meron akong ayaw ipagusapan, ang dahilan ay mali ang ginawa ko.


Tahimik ang tao kung hindi niya alam ano ang mali.
Nahihiya ang tao kung alam nga niya anung maling ginawa.
Walang hiya ang tao kung malinaw ang pananaw niya sa maling paggagawa at nagiba at nagpalit na siya.



~ Bawal ang mahiyain.

Friday, October 16, 2009

Pamilya



Kwento


Nalulungkot daw si Bilen. Naikwento niya sa akin na ang nanay ng pamangkin niya ay namatay sa mudslide.
Ang kapatid niya ay humiram ng pamangkin at nakatira ang bata sa bahay ng magulang nila, mga lolo at lola ng bata.
Malungkot. Paano ipapaliwanag sa bata ng tatlong taon na di na niya makikita ang nanay niya?
Lalo nang mahirap dahil di sila makadalo sa paglilibing ng nanay dahil sa baha.
Di makikita ng bata ang bangkay ng nanay niya.

Swerte nga at buhay ang bata, ang pagtiyak ko kay Bilen.
Dapat nagpapasalamat na narito ka.


Madalas tumatawag si Nanang sa akin para magreklamo. Pag sawa na at susuko na siya, balak niyang umuwi sa Pilipinas. Di niya tawag sa States ang tahanan niya. Ang pakiramdam niya ay naghirap na siya sa mga Kano at walang nagpapasalamat sa pagkayod niya.
"Bakit ka naman babalik? Alam mo naman na mahirap ang buhay doon," ang mga isip ko. Ginagamit pa rin a tabo at kailangan ipainit ang tubig sa kawa.
Palaging sinasabi sa amin na kami ang pag-asa ng magulang.
Totoo at may tiwala ako doon.
Ngunit habang namana ko din ang mabuti sa magulang ko: ang disiplina ni Dad at ang talino ni Nanang, maaaring mamana din ang masama: katulad ng mga alinlangan at mga balisa, mga bunga ng pagwawala ng tiwala sa sarili.


Nasasanay na din ako sa lamig dito sa States, sa East Coast. Itong umaga mainit sa opisina sa 11 Broadway at tilang tinatamad akong magtrabaho. Sa taginit na panahon, tinatamad din ako sa studio sa 1415 Foster at ang computer ay mabagal sa pagkikilos.

Kahit babalik ako sa Parañaque itong December at inaasam makita ang pamilya ko, di ako pwedeng tumira sa Pilipinas na.

Tiyak na ako sa pagpipili ko.

Buhay ko nasa New York City.





~ Ako'y galing Brooklyn.

Tuesday, October 6, 2009

Ilokano

Nanang


Habang nagsasalita kami ng English, tinuturo ni Dad sa amin magkakapatid ang wikang Tagalog din. Samantala, kalahating Ilokano ako. Ngunit di ko kilala ang wikang Ilokano.

Nakakatuwa ito pagsinasabi ni Nanang.


Turuan mo naman ako, kinukulit ko si Nanang.
Ayaw daw niya.
Para daw meron siyang mga itatagong mga sekreto.

Naku. Talaga, ikaw ang sarili mong sagabal.

Nakakatuwa na magrereklamo siya na kaming magkakapatid ay "hindi nakikinig."
Paano naman kung ayaw mong turuan kami ng Ilokano at di ka din hasang-hasa ng English?
May tanong sa test niya: "haste makes ____"
Sinagot ni Nanang sa test niya "haste makes happy."

Naku.

Meron akong project "Flowers In The Sand."

Ito'y tungkol sa mga lahing Garinagu. Ang wika nila ay Garifuna. Tunuturo nila ang wika at ang kultura sa kanilang mga anak. Kahit kung pinanganak ang bata sa States, tinuturo pa din iyon.

At bakit hindi? Ang yaman din ng kultura ng pinanggalingan natin. Mayaman ang kulturang Pilipino.

Siyempre, kailangan hasaan ang English dahil ito ang lingua franca ng mundo: ito ang wika ng pagnenegosyo.
Hindi uunlad ang tao ni ang bansa o bayan kung di sanay sa English.
Totoo din na kung di mo alam kung saan ka galing, di mo din alam saan ka papunta.


Mararami akong kilala mga kalahing Pinoy na di alam nila ang wika. Sa batas ng bansa, Pinoy din sila dahil sa dugo (jus sanguinis).
Ngunit Pilipino ka ba kung hindi ka nagpapataas ng kayamanan ng kulturang Pilipino?
Pilipino ka ba kung di mo alam ang pagkakaiba ng wikang Tagalog at wikang Pilipino?
Pilipino ka ba kung katulad mo ang mga ibang dayuhan dito na di mataas ang hangad sa sarili at sa bayan?
Sa Amerika, kung nais mong magtrabaho at maglikha ng pera, makukuha mo ang green card at pagkamamamayan.
"Freedom" ang katangian Amerikano.
Ano ba ang katangian Pilipino?



~ Dahil sa iyo.