Friday, October 16, 2009
Pamilya
Kwento
Nalulungkot daw si Bilen. Naikwento niya sa akin na ang nanay ng pamangkin niya ay namatay sa mudslide.
Ang kapatid niya ay humiram ng pamangkin at nakatira ang bata sa bahay ng magulang nila, mga lolo at lola ng bata.
Malungkot. Paano ipapaliwanag sa bata ng tatlong taon na di na niya makikita ang nanay niya?
Lalo nang mahirap dahil di sila makadalo sa paglilibing ng nanay dahil sa baha.
Di makikita ng bata ang bangkay ng nanay niya.
Swerte nga at buhay ang bata, ang pagtiyak ko kay Bilen.
Dapat nagpapasalamat na narito ka.
Madalas tumatawag si Nanang sa akin para magreklamo. Pag sawa na at susuko na siya, balak niyang umuwi sa Pilipinas. Di niya tawag sa States ang tahanan niya. Ang pakiramdam niya ay naghirap na siya sa mga Kano at walang nagpapasalamat sa pagkayod niya.
"Bakit ka naman babalik? Alam mo naman na mahirap ang buhay doon," ang mga isip ko. Ginagamit pa rin a tabo at kailangan ipainit ang tubig sa kawa.
Palaging sinasabi sa amin na kami ang pag-asa ng magulang.
Totoo at may tiwala ako doon.
Ngunit habang namana ko din ang mabuti sa magulang ko: ang disiplina ni Dad at ang talino ni Nanang, maaaring mamana din ang masama: katulad ng mga alinlangan at mga balisa, mga bunga ng pagwawala ng tiwala sa sarili.
Nasasanay na din ako sa lamig dito sa States, sa East Coast. Itong umaga mainit sa opisina sa 11 Broadway at tilang tinatamad akong magtrabaho. Sa taginit na panahon, tinatamad din ako sa studio sa 1415 Foster at ang computer ay mabagal sa pagkikilos.
Kahit babalik ako sa Parañaque itong December at inaasam makita ang pamilya ko, di ako pwedeng tumira sa Pilipinas na.
Tiyak na ako sa pagpipili ko.
Buhay ko nasa New York City.
~ Ako'y galing Brooklyn.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment