Sunday, August 30, 2009

Balisa

Pera


May namana akong balisa sa mga bagay pera.
Palagay ko namana galing kay Nanang. Malakas siyang magsalita tungkol sa mga bagay pera.
Ayaw niyang aaminin sa mga kaibigan ni mga katrabaho niya na ako'y nasa Wall Street. Sinasabi niya sa pamilya sa Pilipinas na hindi ako nagtutulong sa bahay.


"We become what we think about"
"As you think, so shall you become" ~ Earl Nightingale


Nabubunga ang sarili mula sa binhi ng isip.


Kahit mga sikat at mga mayayaman ay may mga hadlang din.


Tuloy, ano na din ang pananaw mo sa sarili?

Dapat din walang hiya ang sagot mo.






~ Mahirap o mayaman ka ba?

Friday, August 28, 2009

Parada



Kennedy



Sa Martes namatay is Ted Kennedy. Siya'y isang senator ng pamahalaan ng US. Siya din ay isang kapatid ni John F Kennedy, isang pangulo ng US, at ni Robert Kennedy, isang senator.

Kaunti lang ang alam ko sa mga Kennedy's. Ang alam ko'y ang nuno nila'y isang dayuhan na bagong dating sa US noon.
Nagumpisa an kasaysayan kay Patrick Kennedy. Siya'y galing sa Ireland at siya'y isang magsasaka. Dumating siya sa Boston ng April 22, 1848.
Ang asawa niya, si Bridget Kennedy ay bumili at naging ari ng isang tindahan.
Dahil doon, si Patrick Joseph (PJ) Kennedy ay naging unang Kennedy na nakapag aral sa school. Nagipon siya ng pera at bumli pa siya ng mga bar. Naghalo siya sa mga mayayaman na nagiinom sa mga bar niya tapos siya nagtakbo upang mamulitika.
Ang panganay niyang anak ay si Joseph Patrick Kennedy. Siya'y naging stockbroker sa panahon na walang nagmamahala sa markets.
Aliw na aliw ako sa kasaysayan niya dahil magaling siya sa pakikipagsapalaran at ang tsismis ay kasama siya sa pagdadaya sa stock market, nakipagsapalaran siya sa Hollywood studios, at nagbenta siya ng alak habang bawal ang alak sa US ("Prohibition era"). Ang pananaw din ng masa ay masakim siya sa mga Hudyo.
Siya'y naging tatay ni President John F. Kennedy, Senator Robert "Bobby" Kennedy, at Edward "Ted" Kennedy.


Sa pagbabasa nito, naiisip ko lang ang paggagawa ni Dad at ni Nanang. Malayo ang nararing at naranasan namin dahil sa kanila.


Ililibing si Ted sa tabi ng mga kapatid niya si John at si Bobby sa Arlington Memorial Cemetery. Naililibing ang mga Kano na may tungkulin sa gobyerno at hukbo ng US.

Silang tatlong magkakapatid ay pumasok sa gobyerno. Malayo din ang dating nila.
Ako, nakikita ko ang kasaysayan at naka tingala lang ako.

Tuloy, pinagiisipin ko lang kaming magkakapatid na Parada.

Kami ni Enrique at si Patricia.


Malaki ang mga balak naming tatlo. Mabuti ang nararamdaman ko pag ang usapan ni Tisha ay anung business na nais niyang iumpisa at kung sinasabi ni Eric na nais niyang maging pangulo ng Pilipinas.


Takot na takot ako na di maisauli ko ang pera na ginastos para sa akin.
Ang mga maliliit na tao, sinasamba nila ang pera.
Ako, sinasamba ko ang mga Nuno ko.
Si Lola.
Si Mamang.
Si Dad.
Si Nanang.

Malayo na ang dating naming.

Malayo pa ang pagunlad sa kinabukasan.



~ Parada ang pangalan ko.

Wednesday, August 26, 2009

Mahalaga



Utang



Ito'y malaking salita sa isip ko ngayon.
Sa Tagalog, meron salawikain na "utang na loob." Ang English na "debt of gratitude" ba ang wastong pagsalin?

Lahat ng tao'y may utang. May utang ang bata sa magulang niya na siya'y buhay.
Mangungutang ang tao sa bank kung kailangan niya ang pera.

Ang mahirap sa utang ay madalas nalilimutan ng naguutang na kailangan niya ibalik ang hiniram niya.


Ang mahirap ay kung malabo ang kaugnayan ng dalawang tao.

Merong "debt" - utang
Meron "equity" - ari

Ito'y isang halimbawa:
Nais kong pumasok sa NYU mga pitong taon nakaraan. Upang mabayad ang pagtuture, nagutang ako ng student aid at nagutang si Nanang ng PLUS loan. Nagsimula akong bayarin ang student loan ko itong taon.
Ngayon, nagsisingil din si Nanang na ako na ang bahala sa utang niya sa PLUS loan.

Malabo ang kaugnayan.

Di lang iyon, magaling din magsingil si Nanang. Sana di ko binura ang mga iniiwan na pahatid niya. Tilang may utang ako sa kanya.
Ganoon ang pinoy. Ang "utang" ay nasa talasalitaan natin. Ngunit meron ba tayong salita na "equity?" Tilang ang pinakamalipit ay "ari-arian."

Sa totoo, daig ng ganti ng ari-arian ang kaugnayan na utang.

Walang nagtuturo sa akin nito.
Ari.
Palagi ko lang naririnig ang "utang."
Dahil dito, maaaring ito'y kasama sa ugat ng kalagayan ng Pilipino.


...


Madalang may kaunting alinlangan din ako.
Maaaring ito'y isang halimbawa ng panahon.
Tuloy, kailangan kong balikan ang mga paggagawa na may tiwala ako.






~ Mahalaga ang tiwala ko.

Saturday, August 22, 2009

As-Salāmu `Alaykum

Peace be with You






Allaahu Akbar


Nagumpisa na ang Ayuno.
Naninibago ang isip at katawan ko.

May talumpati si President Obama tungkol sa Ramadan at ang kaugnayan ng America sa mga Muslim.

Sa huling taon, di naintindi ni Spiderman bakit sinusunod ko ang Ayuno.
Tinatanong naman ni Nanang na kung mag-aayuno naman ako, bakit hindi naman sa Lent.


Mga tatlong taon nakaraan, nasa Accra ako at ang dami kong naranasan. Ayun ang simulang panahon na sarili lang akong nakatira. Napagaralan ko ang pera. Pinagisipin ko ang pamilya ko sa New Jersey. Naranasan ko na marupok din ang buhay.

Naging malinaw ang pananaw ko.

Sa pagbalik ko sa States, nakita ko na malapit ang Ramadan sa panahon na nasa Accra ako. Ang Lent naman nasa kabila. Nagumpisa akong nagaayuno dahil naaalaala ko ang malinaw na panahon sa Accra.




Mapagkunwa

Relihyoso daw ang Pilipino.
Nagkukunwari lang ang taong sangsasabi dito.
Dapat magkasundo ang mga asal at ang mga salita.
Ang relihyoso naman natin kung nagaaway ang Krityano at mga Muslim.
Hanggang ngayon nagaawayan ang mga Pinoy at Muslim.
Pilipino din ang mga Muslim.




Alay


Nagtrabaho si Dad sa Saudi Arabia ng mga apat na taon. Nakilala niya ang mga masarap na pagkain doon, katulad ng hummus. Ang pag-alay niya ay malayo at matagal siya sa Saudi. Bawal ang paggagawa ng mga ibang relihyon doon sa Saudi.



Sa huling shoot sa Ferry Point Park, gusto ni Nati na samahan ko siya sa pagsasayaw. Tumanggi ako dahil ako'y bahala sa mga equipment at hinahanap ni Carlos ang susunod na magsasalita sa camera. Pagsinasabi ko kay Carlos na di ako naunawaan ng tao, lalo na mga babae, "you're vain," ani niya.
Bahala na kung hambog o mayabang ang pananaw ng tao sa akin.

Walang pagkaunawa kung kulang ang pananaw.

Kasama sa ayuno ko ang Facebook. Sa Huwebes, isang araw nagsimula ang Ayuno, nagsulat sa Facebook Wall ko si JM at si Arvin.
Talagang halatang halata ang pananaw ng tao: kulang.
Itong isang sagot sa FB wall ko: "Tappy Tibbons, is that you?"
Tapos: "Ed's got juice"

Kilala ng tao lang ang TV at ang pera nila.

Ang salitang wasto?

Mababaw.




Kausap ng Ninuno


Kristyano din ang mga Garinagu. Sinusundin nila ang mga Velorio. Nakita ko ang mga footage ng mga novena.
Sa mga ritwal nila na na-ishoot ko, naisalin ni Carlos ang mga panalangin nila sa mga Ninuno. Nagdadasal sila upang samahan sila ng mga Ninuno.
"Guide us, our Ancestors."
Tilang katulad ng mga panalangin ng mga Kristyano.
"Guide us, O Lord."

Sa akin, nararamdaman ko na ito ang tunay na pananampalataya.

Nais ni Nanang na magdadasal ako ng Novena kung kailan siya mawawala sa daigdig.
"St. Agnes, pray for us.
St. ____, pray for us."
Sino ang mga santo na ito?
Di ko sila kilala.
Di ko nararanasan ang mabuting ginagawa nila sa akin.
Totoong Diyos ba iyon?

Ngunit kilala ko si Mamang.
Kilala ko si Lola Flora.
Kilala ko si Dada.


Sa kanila naranasan ko ang pagmamahal ng Maykapal.


Wala akong panginoon kundi ang mga Nuno ko. Doon ako galing. Ang mga paggagawa nila'y namamana ko.




Mararami akong alinlangan, lalo na kung tilang mahirap ang panahon. Dahil doon, mabuti din nagumpisa ang Ayuno upang walang duda ang paggagawa ko.



Sa pagkatapos ng market sa Lunes, na dalawin ko si Cat sa penthouse niya sa 84th St. Ang ganda ng pananaw doon.



Ang payo niya ay dapat palaging tinutulak ang sarili.
Nauunlad tayo sa paghahaumunin.
"We thrive on the challenge," sabi ni Cat.



Sa Martes, nadalawin ko si Carlos. Kahit kung maliit lang, mabuti na may pagdiriwang na tapos na ang shoot. Ang tawag dito'y "wrap party."



Magaling siyang maghalo ng mohito. Masarap din ang manok na linuto niya. Ang retrato ay kinuha ni Shelley habang nagtatanong siya kung dapat ipapalit ang phone niya na maging Blackberry o iPhone. Madaling mawala ang horas kung dikit dikit ang mata sa iPhone.
Inuusapan namin ang film niya "Flowers in The Sand." Ako'y editor at cameraman doon. Naging usapan natin ang balangkas ng film - paano ang simula, ang gitna, at ang pagtatapos ng film.
Sabi niya na gusto niya ang hamon dito.
"I like the challenge," sabi ni Carlos.




Ganti


Ang pagtatapos ng Ramadan ay ang Eid ul-Fitr.
Ayon kay Carlos, sa Lebanon pinapakain nila ang tupa o kambing nila habang Ramadan. Pinapataba.
Pagdating ng Eid, inaalay ang tupa at kinakain.







~ Alaykum As-Salaam

Sunday, August 16, 2009

The Mistress




Ang Kerida



Sa New Jersey, nagsimula ang "Diner Tour" dahil madalas kami nagtutugtog. Bawat pagtapos ng pagtutugtog, kumakain kami sa pinakamalapit na diner.

Ngayon, nalaman ni Tisha na tinanggap siya sa BioMedical Engineering sa Johns Hopkins University.
Wow.
Ayun ang pinakamahusay na BME program sa buong bansa dito.

Pagdiriwang!

Fiesta!

Party!!

Alam mo ba:
Madaling madaling masapatan ang Pilipino dahil nawawala ang gutom pag nabubusog sa pagkain!!?!

Anyway...


Mahalaga ang pamilyasa akin. Mararami nang nangyayari sa mga kapatid na di ako sumisipot dahil mabigat din ang trabaho.

Ayaw ko iyon.


Di puede na kulang at di makikita ko ang mga magulang at mga kapatid ko dahil ako'y "busy."
Paano ka busy?
Ang pamilya mo'y Business mo.
Ikaw ang bahala sa cashflow statements, balance sheets, at P/L reports. Ikaw ang bahala sa accounting: dapat magtanong na makulit-kulit sa mga gastos ng magulang.
Namamana din ng mga anak ang mga utang ng magulang.

Dito sa States, tilang "business entity" ang magasawa. Dahil doon, kailangan ang divorce. Tinuro sa akin ni Justin sa Street na maaaring itanggap ang pasubal ni Mr. Jones na "I'm getting divorced."
Ayon kay Justin, ang mga kasado sa States ay isang "business entity." Tuloy, di lang tinattanggap ang divorce: kailangan iyon.
Tapos nagtatanong kami ni Pating anung gagawin kung tungkol sa prenup. Sa pananaw naming, tilang iniiwasan ng mga Kano magusap tungkol sa prenup. Halimbawa, maaaring humingi ng prenup. Dahil doon, madalas magagalit ang magiging asawa at ang wika niya'y "if you loved me, you won't need to ask me that. "
Hindi.
No.
Kung may pagibig, wala kang takot sa sinusulat mo.
Kung mahal mo ang tao, walang pipigil sa pagsusulat ng mga pangako mo.
Si Nanang at si Dad walang prenup dahil bawal ang divorce sa Pilipinas.
Habang kaming magkakapatid, kailangan namin pagiisipin ito dahil lumaki din kami dito sa States - kung Pinoy or Kano ang mga magiging asawa namin, handang handa na kami.





Malaking bagay din ito dahil talagang iba ang pananaw ng Kano sa mga kaugnayan ng syota, maliban sa sinasabing iba.

Sa mga Kano, mahalaga ang bagay ng mag-asawa.
Sa mga Pinoy, mahalaga ang anak nila.

Ako, alam ko paano itong magkakasundo.


~ Mangungutang ng kinabukasan ang kasaysayan.

Friday, August 14, 2009

Itatag ang horas

Kapaligiran

Kasabay ko si Michigan. Paalis siya papuntang Austin, Texas. Sabi niya na tinawagan siya ni Tobin sa Martes at balak ni Tobin na dadalawin si Michigan sa Miyerkoles. Tilang tiyak at matibay ang usapan. Tumawag si Tobin sa tanghali at sabi niya di siya matutuloy.
Walang pamasahe sa tunnel daw.

Sa huling linggo, tinawagan ako ni Tobin. Naihayag niya sa akin na naghiwalay na siya at si Kirby. Tilang isang taon sila nagkasabay at magkasamang tumira sa isang silid sa Red Hook. Ngayon siya'y balik sa bahay ng magulang niya sa West Orange at si Kirby ay nasa Brooklyn.

Palagay ko ayaw ni Kirby dahil walang pera.

Tilang ganoon din ang nangyayari kay Brooke: sinasabi niya na mahal niya si Morgan ngunit ayaw niya na siya lang ang taguyod nilang dalawa.

Malabo iyan. Sasabihin "I love you" ngunit kasama mo lang ang tao kung meron siyang pera.


Mahal ng tao ang pera.


Kaya nga ang salitang "mahal" ay wasto: namamahalan ka ng mahal mo. Haha. Naglilikha din ang mga tita kong Ilokano ng salita.
Womp - womp...


Dahil madaldal din ako, naibatid ko kay Nanang na bumalik na si Tobin sa NJ. "Nag-mature na siya," sabi ni Nanang. Maaaring sabihin iyon kung ang balak ni Tobin ay ipalit ang sarili niya. Ngunit tumatanggi ako sa palagay ni Nanang dahil sa nangyayari katulad nito.


Ti napudpudno a gayyémmo, am-ammontó no addáka ití pelígro.


Lumipat ako dahil sa kailangan kong ipalit ang kapaligiran ko. Nagaksaya na ako ng horas dahil sinamahan ko ang taong walang kaya. Madalas kong nakasabay ang taong masasama ang loob. Mararaming tao ay madaldal at wala naman ginagawa. Nagrereklamo ang tao tungkol sa trabaho at tungkulin nila.

Ayaw kong mapaligiran ang mga taong ganito.


Ti táo nga mannaríta, awán ti ania nga magapuánanna.


Ayaw ko nang sabihin na panay ang kayod sa hanap-buhay.


Nais kong sabihin, araw-araw, na buhay na buhay ako.


Sabihin mo sa akin sino ang kaibigan mo at ilalarawin ko sino ka.



Ang kapaligiran ay bahagi ng sarili.





~ Huwag magaksaya ang panahon.

Monday, August 10, 2009

Madaldal

Naku!

Nasa Twitter na din ako!

Bihira akong nakaupo at nagsusulat ng mahabang talaarawan. Nagkaroon ako tuloy ng pangangailangan ng microblog.


Lalo na ngayon na lumalapit ang Ayuno.

Sarap magsulat, kahit kaunti lang.
Nakakatulong din ang Twitter dahil mahirap gamitin ang Blogger sa iPhone.

Nagumpisa na ako sa paghahanda sa disyembre. Naitala ko ang "to do list" na iaasikasuhin bago dadating ang disyembre. Naitala ko din ang "to do" habang nasa Pilipinas na.



Ramadan

Parating ang Ayuno. Naghahanda ako dahil marami ang gagawin ko at ayaw kong mapapagod ni mapupuyat. "Bakit hindi sa Lent ang pagAyuno," madalas ang tanong sa akin.
Kasi di lang Katoliko ang Pilipino. Meron din Muslim sa timog. Pilipino din sila, di ba?
At bakit nagaaway ang gobierno sa Luzon at ang Muslim sa Mindanao?
Walang tiwala. Nagaaway dahil bawat tao'y may sarisariling balak at parehong walang tiwala na kikita niya ang gusto niya.
E, di ka ba Katoliko, kamo.
Bakit ganoon ang tanong mo, kako.
Tiwala ko ang Panginoon. Tiwala niya ang asal ko.



Malabo

Mabuti na inumpisahan ko ang "Open Mic Tour" dito sa New York. Katulad niya ang "coldslamming" sa Wall Street.

Kailangan kong hanapin ang mga open mics sa Metro Manila. Bawal akong aalis sa December at wala akong daladalang footage. Bawal din umalis sa January, pauwi sa New York, at walang footage.

Ngayon, kaya ko lang isusulat ang mga nais kong gawin. Ngunit habang lumalapit ang panahon, dapat nagiging malinaw ang layunin.



Araw

Sarap magsimba kung maliwanag ang araw at malakas ang musika.
Sa huling linggo, naranasan ko ang malakas na musika ni Burning Spear.



Ras Tafari

Ngayon na Linggo, balak kong humiga sa Prospect Park. Nagtatago naman ang araw sa likod ng mga ulap.

Ikaw, Araw ko, ang sinasamba ko bawat pagbabangon sa umaga.




~ Araw ko, Panginoon ko