Monday, August 10, 2009

Madaldal

Naku!

Nasa Twitter na din ako!

Bihira akong nakaupo at nagsusulat ng mahabang talaarawan. Nagkaroon ako tuloy ng pangangailangan ng microblog.


Lalo na ngayon na lumalapit ang Ayuno.

Sarap magsulat, kahit kaunti lang.
Nakakatulong din ang Twitter dahil mahirap gamitin ang Blogger sa iPhone.

Nagumpisa na ako sa paghahanda sa disyembre. Naitala ko ang "to do list" na iaasikasuhin bago dadating ang disyembre. Naitala ko din ang "to do" habang nasa Pilipinas na.



Ramadan

Parating ang Ayuno. Naghahanda ako dahil marami ang gagawin ko at ayaw kong mapapagod ni mapupuyat. "Bakit hindi sa Lent ang pagAyuno," madalas ang tanong sa akin.
Kasi di lang Katoliko ang Pilipino. Meron din Muslim sa timog. Pilipino din sila, di ba?
At bakit nagaaway ang gobierno sa Luzon at ang Muslim sa Mindanao?
Walang tiwala. Nagaaway dahil bawat tao'y may sarisariling balak at parehong walang tiwala na kikita niya ang gusto niya.
E, di ka ba Katoliko, kamo.
Bakit ganoon ang tanong mo, kako.
Tiwala ko ang Panginoon. Tiwala niya ang asal ko.



Malabo

Mabuti na inumpisahan ko ang "Open Mic Tour" dito sa New York. Katulad niya ang "coldslamming" sa Wall Street.

Kailangan kong hanapin ang mga open mics sa Metro Manila. Bawal akong aalis sa December at wala akong daladalang footage. Bawal din umalis sa January, pauwi sa New York, at walang footage.

Ngayon, kaya ko lang isusulat ang mga nais kong gawin. Ngunit habang lumalapit ang panahon, dapat nagiging malinaw ang layunin.



Araw

Sarap magsimba kung maliwanag ang araw at malakas ang musika.
Sa huling linggo, naranasan ko ang malakas na musika ni Burning Spear.



Ras Tafari

Ngayon na Linggo, balak kong humiga sa Prospect Park. Nagtatago naman ang araw sa likod ng mga ulap.

Ikaw, Araw ko, ang sinasamba ko bawat pagbabangon sa umaga.




~ Araw ko, Panginoon ko

No comments:

Post a Comment