Kasabay ko si Michigan. Paalis siya papuntang Austin, Texas. Sabi niya na tinawagan siya ni Tobin sa Martes at balak ni Tobin na dadalawin si Michigan sa Miyerkoles. Tilang tiyak at matibay ang usapan. Tumawag si Tobin sa tanghali at sabi niya di siya matutuloy.
Walang pamasahe sa tunnel daw.
Sa huling linggo, tinawagan ako ni Tobin. Naihayag niya sa akin na naghiwalay na siya at si Kirby. Tilang isang taon sila nagkasabay at magkasamang tumira sa isang silid sa Red Hook. Ngayon siya'y balik sa bahay ng magulang niya sa West Orange at si Kirby ay nasa Brooklyn.
Palagay ko ayaw ni Kirby dahil walang pera.
Tilang ganoon din ang nangyayari kay Brooke: sinasabi niya na mahal niya si Morgan ngunit ayaw niya na siya lang ang taguyod nilang dalawa.
Malabo iyan. Sasabihin "I love you" ngunit kasama mo lang ang tao kung meron siyang pera.
Mahal ng tao ang pera.
Kaya nga ang salitang "mahal" ay wasto: namamahalan ka ng mahal mo. Haha. Naglilikha din ang mga tita kong Ilokano ng salita.
Womp - womp...
Dahil madaldal din ako, naibatid ko kay Nanang na bumalik na si Tobin sa NJ. "Nag-mature na siya," sabi ni Nanang. Maaaring sabihin iyon kung ang balak ni Tobin ay ipalit ang sarili niya. Ngunit tumatanggi ako sa palagay ni Nanang dahil sa nangyayari katulad nito.
Ti napudpudno a gayyémmo, am-ammontó no addáka ití pelígro.
Lumipat ako dahil sa kailangan kong ipalit ang kapaligiran ko. Nagaksaya na ako ng horas dahil sinamahan ko ang taong walang kaya. Madalas kong nakasabay ang taong masasama ang loob. Mararaming tao ay madaldal at wala naman ginagawa. Nagrereklamo ang tao tungkol sa trabaho at tungkulin nila.
Ayaw kong mapaligiran ang mga taong ganito.
Ti táo nga mannaríta, awán ti ania nga magapuánanna.
Ayaw ko nang sabihin na panay ang kayod sa hanap-buhay.
Nais kong sabihin, araw-araw, na buhay na buhay ako.
Sabihin mo sa akin sino ang kaibigan mo at ilalarawin ko sino ka.
Ang kapaligiran ay bahagi ng sarili.
~ Huwag magaksaya ang panahon.

No comments:
Post a Comment