Sunday, May 31, 2009

Mabuhay na

Napapansin ko na nawala na ang sigla ko sa paggigising ko sa umaga.

Kailangan ipalit ito. Noon bagong lipat kami dito mulang Pilipinas, naaalaala ko na kahit kaunti ang pagtulog ko, mabilis ang pagbabangon ko. Maaaring sabihin dahil sa TV.
Binabalikan ko ang mga retrato noon nakatira kaming pamilya sa 212 S. Orange Ave.
Nakikita ko mga pictures namin sa Six Flags-nakasuot ng jacket pa dahil winter kaming pumunta doon.

Wala kaming alinlangan noon. Di kami namamabalisa.

Masayang walang pagkamalayan.

Ngayon, mararaming nagiiba sa damdamin.

Bago akong umalis ng Brooklyn kahapon, nagusap kami ni Brooke ng kaunti. May balak siyang lumipat.
Ang daming nangyayari.
Kalilipat ko lang mulang E1 at nasa Pointe na ako. Nasa hospital si Mamang.
Ang malaki sa akin ay di ko ipapatulan ang mga nangyayari sa ibang tao: di akong mabubusog sa pagkain ng iba.

Nais kong ulitin ang pakiramdam na iyon.
Ang pakiramdam na magigising ako sa umaga at masigla ang pagbabangon ko.
Hindi akong bumibilang kung sapat o kulang ang tulog ko.
Dapat pagbangon ko, pagsusugod na ang ugali ko.



~ Madaling pagisipin ang masasama. Mahirap hanapin at ilikha ang mabubuti.





Thursday, May 28, 2009

Piker

Paanong isasalin ang salitang "piker?"

Ang hulugan ay tilang halo-halo iyon ng "kuripot" at "nagsisinungaling."



~ Huwag magaksaya ng panahon.

Wednesday, May 27, 2009

Scene 5, Take 2.

Malinaw na talaga ang mga halimbawa.

Sa Facebook, ayaw akong i-"friend" ng ibang tao.
Nakilala ko sila noon at wala akong malay anung nangyari.

E, di ba "forgive and forget?"

Nakalimutan ko na.


Malinaw na ang sinasabi na sa bawat taong may gusto sa iyo, may katumbas na tatanggi.

(Tama ba ang pagsalin ko?)



~ Kung malinaw na iyon, sugod na.

Tuesday, May 26, 2009

Dad

Nadalawin ko si Dad itong huling Sabado-Linggo.

Nakalimutan ko ang mga susi ko ng Cumberland at na swertehan ako na kauuwi lang ni Dad mulang DMV. Kailangan ng mga kotse niya ng inspection sticker.

Nagpalit kami ng gripo ng kusina buong Sabado. Inaayos din niya ang gripo sa banyo sa kwarto niya. Ayos din ang gripo sa kusina: meron nang water filter na gripo, nakahiwalay sa malaking gripo.

Tapos kahapon, inumpisahan niyang ayusin ang timer ng fan sa bahay.

Marunong maglikha at magayos si Dad. Palaging may inaayos siya o dinadagdag siya na mabuti para bahay.



~ Ang tatay ay halimbawang gayahin o itanggi.

Friday, May 22, 2009

I-lokos

5/19

Lof Parti




" Get cel nos of girl date mo sa akin. Also email ad. Ayoko ng blacks ha. Maitim na ako e. Basta les than 25 y o. Tapos game ha." ~ Mon.




~ Ulol.



5/20

Huni


Tilang may nunong nasa hospital ang mga kaibigan ko. Sinulat ni Jackie na nadalawin niya ang Nana niya sa hospice.
Tapos kababasa ko lang ang email ni Morgan na nasa hospital ang lola niya at kailangan niyang sumipot sa Rochester.


...


Malapit nang matapos ang tagsibol at parating ang taginit. Parating na ang Memorial Day at dito sa bansang-Kano, ito ang "unofficial" pagumpisa ng taginit. Malamig pa din ang mga umaga at kung mahangin. Naririnig ko ang musika sa huni ng mga ibon sa labas.



Sayaw na tayo.



~ Malabis ang bilis ng buhay.




5/22

Kamusmusan

Mainit sa labas.

Pinipilit ko si Enrique na magaral ng Tagalog. Sulat niya sa akin na mga kamaganak sa Pilipinas ay nagbabasa nito. Ang nabubulong daw ay malalim ang Tagalog.
Sa umpisa, panghihibo ang nararamdaman ko doon.
Mamaya, nabiglain ako sa isip:

Ilokano ang mga nagbabasa.

Siempre, para sa mga Ilokano, ang palagay nila ay malalim ang Tagalog.

Haha.

Hindi naman. Halakhakan lang.
Sa akin, nais ko lang aralin paanong ipahayag ang wastong salita. Lalo na paanong uulitin ang nais kong ihayag sa iba-ibang pangungusap.
Ayun at ayaw kong malimutan ang sariling tinig ko.

Paano ba isasalin ang "young and naive?"

Ayaw ko ang kamusmusan sa ugali ko.

Samantala, sulatin ko nga si Enrique. Kaya niyang pag-aralin ang Tagalog uli sa susunod na apat na linggo. Lalo na kung hasaan niyang magsalita pagbalik niya.
Wow.
Magpapalit ba ang tinig ng kapatid ko? Sayang at baka wala akong recording.




~ Malalim na Tagalog, kamo. Nakigtutak, kako.

Monday, May 18, 2009

Mga pinong bagay sa buhay

Flor



Cute, no?

Nakilala ko si Flor sa Future Filmmakers Workshop. Siya'y estudyante noon panahon na si Justice at si Greg ay nagtuturo ng edit workshop.

Film student siya ngayon sa NYU.

Nakakatuwa itong dalawang kwento.
Noon bagong pagaalis ko sa E1, nagsisipot ako so NYU upang magtrabaho sa documentary ni Carlos. Isang gabi, nasalubong ko siya sa Steenbeck room. Nagbati kami. "What's up?" ang tanong niya. "I just found out my old man in Ghana just died," sagot ko.
Napaliwanag ko na si Dada ay si Kofi Ghanaba at sa mga huling horas, kauusap ko lang si Awam at narinig ko ang balita kay Dada.
"Sorry."
Mamaya, sumipot ang mga kaibigan niya. Habang naguusap sila, nagwawala ang mata ko at ang tinitigan ko ang mga editing equipment: naaala-ala ko ang panahon noon ako'y estudyante mismo at binabalik ko ang mga pag-asa ko noon nasa film school pa ako.
Tinignan ako ni Flor at ang tanong niya'y
"Are you high?"
Nagmula sa wala, darating sa wala.
Mamaya, hinihimok siya ng mga kaibigan niya na mag lakad sila sa Starbucks. Pumayag siya at liniligpit niya ang mga gamit niya bago siya aalis. Di niya ako yinayang sumama o wala siyang tinanong sa akin. Ni di siya nagpaalam.
Ang palagay ko ay tapos na ang pagdadalaw ko.
Tumayo ako tapos iniwanan ko ang editing room.
Mamaya, habang lumalakad ako, narinig ko siyang sumigaw sa likod ko "Ed, you should say goodbye."
"Why?" tanong ko.
"Because it's rude to leave without saying goodbye."

Malabo.


Sa pagtapos ng FFW itong taon, meron kaming film festival sa huli. Meron reception sa pagtapos ng pagpanonood ng mga projects nila.
Tinanong ko si Flor kung kaya niyang sumipot sa loft party ni Ken.
Meron na siyang mga party na dadalwin niya. Lahat nasa Bronx. Tinanong niya kung saan ang party.
"Sunset Park, Brooklyn" ani ko.
"Yuck. Brooklyn." sagot niya.
Malaki ang kayabangan niya ng Bronx.




Ngayon, ito na ang mga umaga ko.



Ang kawikaan ay "money green."
"The grass is always greener on the other side..."

Nagsusundo din kami ni Catalin. Sa umpisa, gusto niyang opisina sa Wall Street. Gusto ko iyan. Samantala naman, maganda din dahil ang opisina namin ay nasa Broadway.





"I'm on Broadway, ma! Top of the world!"





~ Lupit.

Saturday, May 16, 2009

Kaarawan

Umuwi ako kahapon at nakita ko si Tisha. Kauuwi niya galing Baltimore. "B-More" town.

Nakakatuwa dahil wala akong palagay na nasa sorority siya. Di naman sorority katulad ng nakikita sa mga cinehan: mga madadaling babae. Hindi naman sorority na ganyan, ngunit ito ang isang pumapasok na isip pag naririnig ang salitang "sorority."

Kauuwi lang niya tapos aalis pauwing Pilipinas bukas.

Kagabi paalis kami papuntang Charlie Browns. Maliban si Tisha, handang-handa na lahat. Hinintayan namin siyang gumising muna. Tapos naligo.

"Pating," ani ko, "PAP ka."


...


Ayos si Dad.

Bumabata sa gulang.

Sumusuot ng Chuck Taylor Converse sneakers.

Kahit kung suot niya ula ang kamisetang sinuot niya sa huling pagdadalaw ko...



Rock star.






~ Matapang pa rin.

Thursday, May 7, 2009

Sulat

May mararami akong binabasa. "Successful Telephone Selling in the 90's." "The Art of Seduction" "Hardball Selling" "The 48 Laws of Power" "The Art of War"
Ang huling binabasa ko'y "How to Win Friends and Influence People" by Dale Carnegie.
Sa huli, totoo ang alam ko sa loob: dapat magaling ang pagkikinig ng tao sa iba.
Madaling usapin ng tao ang sarili nila. Ang katangian ng tao ay ang katotoohanan na alam nila. Habang totoo ito, upang magkasundo ang tao, kailangan kong usapin ang mga nakakaakit sa ibang tao: ang sarili nila!

Pinagiisip ko tuloy ano ang mga sinusulat ko sa mga blogs ko. Palaging "I" "me" "ako" "sa akin."
Hindi naman biglaan ang pagpapalit ko ng mga sulat ko mula ngayon. Sa totoo, kailangan ko din usapin ang sarili ko dito sa mga sinusulat ko dahil madaling nalilimutan ang mga kasaysayan na nangyari sa mga huling araw.
Kailangan kausap ko ang sarili upang magagawa ko ang kailangan gawin.
Sa unang tingin, maaaring sabihin na nababaliw na si Kuya.
Ngunit, kung may mission ka sa buhay, sinong alaala mo kundi sarili mo?
Sa maingay na lungsod, sino ang pinapakinggan mo?

Kailangan din na alam ng tao ang sarili nila bago maguumpisang kausapin ang ibang tao.

Vain ba ako?


Maaaring matutuwa si Greg sa kwentong ito dahil alam ni Greg na mabagal ako sa paggagamit ng mga bagong online networking sites. Halimbawa, ngayon lang akong naaakit-akit sa Facebook dahil ginagamit ko siya bilang kasangkapan sa pagsusulat.
Ngayon, wala akong gamit sa Twitter.

Nadalawin ko ang birthday party ni baby Esme, ang bagong anak ni Erin and Chris. Nakilala ko ang kaibigan ni CCR, pangalan niya'y Ana. Magkakaibigan sila ni Jamil, isang actor na kaibigan ni CCR.
Habang kumakain ako ng cake, naririnig ko sila (magkakatabi kaming umuupo) at ang inuusap ay Twitter.
"Narcissist" kamo ang mga gumagamit ng Twitter. Sinong naaakit-akit sa mga Tweets na "I'm in the bathroom" at "I'm in the meeting and they're talking about marketing management."


Nagbabago din ang pagsusulat ko. Alam ko na habang ang sarili ko lang ang tanging katotoohanan na alam ko, nakakatuwa din ang mga maliliit na kaugalian ng ibang tao. Sinusulat ko iyon dahil marahil ang mga magagandang panahon at ugali ng tao.

Huwag ka lang magagalit sa mga sinusulat ko. Alam ko ang nararamdaman ko. Ikaw ang bahala sa sarili mo kung ayaw mo na ito ang nasa pananaw ko.



~ Nagpapalit din ang tao kung nagbabago ang sinusulat.

Wednesday, May 6, 2009

Ekis

Nalaman ko dito sa States ano ang ibing sabihin ng "ex." Madalas ginagamit ang salitang "ex" tungkol sa boyfriend or girlfriend na di na magkasama.
Malabo din ang hulugan nito sa akin.

Sa Wall Street, ang "x" sa akin ay isang prospect na lead na ayaw magbibili. Halimbawa, tinawagan mo si Mr. Jones sa isang phone call. Pumayag siya na ipapadala ko siya ng business card.
Sa pangalawang tawag na maguumpisa akong mag-pitch, kung ayaw niya akong ipakinggan, "x" na siya at ipupunit ko ang papel na nakasulat ang pangalan ng lead.

Ayun ang ex sa akin: isang girl na friend na di mo na kausap.

Parang pelicula talaga ang nangyayari sa akin.
Masaya ako na natapos ang editing namin dalawa ni Carlos. Pagalis namin dalawa, ngumingiti siya dahil sabi ko na kakain kami ni Flor ng dinner. "What happened to having no distractions?" tanong ni Carlos.
"Bahala na," kako.
"Bon apetit," sabi niya.
Nasalubong ko si Flor at pumunta tayo sa Silver Spurs.
Pag pasok namin sa Silver Spurs, nag away itong dalawang waiter. Nalito kaming dalawa.

Habang lumalakad kami sa mesa namin, parang nakita ko ang mukha ni Emilie. Badtrip. Una, nakikita mo ang mukha o mga katangian ng mga kilala mo sa ibang tao. Tuloy, di ko alam kung ang tao nga ay si Em o hindi. Alam ko na gustong-gusto ni Em ang kainan na iyon.

Wala akong sinabi. Wala akong pakialam.

X naman siya, di ba? Siya ang nagsulat sa akin na "huwag mo akong tawagin o kausaping hanggang akong magsisimula."
Ang tawag ng sulat na ito sa Wall Street ay isang "no-fax."
Anung ginagawa sa mga no-faxes? Pinupunit ang lead.
X.


May kawikaan sa English, lalo na sa Wall Street: "the power of Next."

Paanong isasalin iyon sa Pilipino?

Sunday, May 3, 2009

Tawag

May pahabol na iniwinan ni Nanang ngayon. Gusto niya makita ako.

Matagal ko na di nakikita ang mga magulang ko. Matagal din kami di naguusap.

Kaya nga nagumpisa ako ng mga blogs katulad nito. Alam ko na ang gusto ng tao'y maririnig ang sarili nila.

Ako, alam ko din na ang tao'y naaakit-akit lang kung sila ang inuusapan mo.

Mararami din kasi ang nangyayari sa mga huling bwan.

Dapat ingat-ingat ako sa sinasabi at ginagawa ko.