Saturday, September 26, 2009

Sarili




Walang Katulad



Di ko kilala ang mga lolo ko.
Maiksi ang buhay ng tao, lalo na kung mahirap sila at wala silang halaga sa kalusugan nila.
Sa Ayuno ko, pinagiisipin ko ang lahat ng mga naipalagay ko. Naaminin ko ang mga maling naipalagay ko. Tinanggal at pinalit ko ang mga mali sa asal ko.
Tatlong taon na di ako nagyoyosi ni di ako nagkakape. Kaya kong ulitin ang pagbabago ng ugali katulad nito. Lahat ay galing sa isip lang.
Hindi ko sasabihin na bisyo ang mga ginagawa o ginagamit ko noon dahil may mabuti din kung di araw-araw ang pagagamit.

Nagiba na din ang mga inaasam ko. Nais ko na makilala ng mga anak ko ang lolo nila, si Dad.
Tilang pagbalik ko mula sa unang lakbay sa Accra, biglang nagiba ang asal ni Dad. Nagumpisa siyang nagtatakbo sa treadmill. Salad lang ang kinakain niya. Pumayat siya at naging mabuti ang blood-sugar levels niya.
Pagtingin ko kay Dad, dahan-dahan siya at inaalagaan niya an katawan niya. Ngunit kahit tumitiyak ni Eric sa akin na mabuti sa kanya, naaawa din ako pag nakikita ko ang sinusuot ni Dad upang hindi siya naghihilik.

Dahan dahan lang.

Muntik muntikan ang nabalita sa akin kay Tito Manny sa huling taon, kasabay sa balita kay mang Mando.


Maiksi ang buhay.




Baha


Ngayon, kababalik ko sa Brooklyn mula sa Rhode Island. Kasama ko ang band The Volunteers kagabi.
Nabalita sa akin ni Pating na bahang-baha ang Metro Manila dahil sa bagyo.

Pilipinas at bayan kong Pilipino, sa inyo ang mga panalangin ko.





~ Ang pagkakayaman ay galing sa kalusugan.

Monday, September 14, 2009

Kuya



Kapatid


Ang panganay ay ang pasimuno.
Naguusap kaming dalawa ni Enrique sa huling linggo.
Sabi ko sa kanya na kaya niyang ipalit ang nararamdaman niya. Ang tao ay hari ng nararamdaman niya.
"You can control yor emotions," kako.
Tumanggi at di siya naniniwala.
"How do you feel right now?" ang tanong niya.
Masaya, ani ko.
Tilang sinasabi niya'y ang tao'y hindi hari ng nararamdaman sa loob, malabo ang sagot niya.

Ang kuya ay ang panganay. Siya'y ang pinakamatanda sa mga magkakapatid.
Ang aasahin ay ang panganay ay ang may gulang at may muwang sa mundo na siya'y magtutulong sa pamilya at meron siyang ituturo sa magkakapatid. Ang kuya ay nagiging halimbawa ng mga gagayahin at iiwasan.

Alam ko lang ang mga naranasan ko.

Ito ang kaya kong ituro.



Pamilya

Naguusap kami ni Carlos upang mapaplano namin ang pag-edit ng documentary namin "Flowers in The Sand." Nabatid niya na meron Future Filmmaker Workshop Open House itong Sabado at ngayon lang naimik ni Chris sa kanya.
Bakit di ako sinabihan, ang naibulaslas ko.
Ngayon lang sinabi sa kanya, ayon kay Carlos.
Bigla-biglaan.
Labo.

Sa Baltimore, tinatanong sa akin bakit hindi ko sinasagot ang phone ko. Kasi hindi siya kumililing. Dapat nakaandar daw ang kuliling, sinasabihan ako.
Hindi.
Ano daw ang gamit ng phone kung di ko sinasagot?
Wala naman ang tumatawag sa akin. At kung may tatawag, utos lang. At kung magiiwan din ng voicemail, kulang ang iniiwan: "Niño/Kuya/Ed, call me back." Anung pahabol iyan?!?!
Tinawagan mo na ako at bara-bara ang pagiiwan ng pahabol?
Walang bumabati din sa akin. Palaging humihingi lang.
Ano kaya kung emergency, ang tanong ni Dad.
Kung emergency, dapat ihayag ano ang emergency at iiwanin din ang pahabol.

Sa tingin ko, sanay na sanay ang pamilya sa bigla-biglaan. Katulad noon bago kami sa States, biglang nasunog ang 14 Cologne.
Tuloy, palaging biglaan.

Halimbawa, bago dumating ang huling Labor Day weekend, naipalagay ko na dadalawin ni Nanang at ni Dad si Tisha sa Baltimore: ano pa ang ginagawa ng helicopter parents sa three-day weekend?
Nagumpisa akong nagtatanong kay Nanang kung Baltimore ang balak. "I don't know yet," ang sagot.
Sa Huwebes, nagusap kami ni Eric at sabi niya wala siyang naririnig.
Sa Biyernes, nasalubong ko si Eric sa NYU at sabi niya na text siya no Dad na paalis sila sa Linggo.
Sa gabi ng Sabado, bumalik ako sa NJ at sa 7.00 ng umaga ng lingo - hindi sa 5.00-6.00a na palaging balak na hindi nangyayari - umalis kami papuntang Baltimore.
Pagpasok namin sa lungsod, tinext ko si Tisha na malapit na kami ng limang minuto.
Dalhin mo ang swimsuit, ang tinext ko kay Pating.
"Packed up for what...?" tanong niya.
Di niya alam anung mga balak hanggang tinext ko siya.
Sa tinging ko, bumabalik ito sa 14 Cologne St. Biglang nasunog ang bahay. Tuloy, tilang naging sanay kami sa pabiglaan na nangyayari na nagiging malabo ang paguusap at pagpapatibay ng balak.




Kaibigan


Tinawagan ako ni Greg sa Sabado. Walang iniwan na pahabol.

Kahapon, tumawag din si Arthur. Wala din iniwan.

Kung wala kang sasabihin sa akin ni di magiiwan ng pahabol mo, bakit ka pa tumatawag?




~ Kahit hi-tech na, ang labo pa rin.