Saturday, September 26, 2009
Sarili
Walang Katulad
Di ko kilala ang mga lolo ko.
Maiksi ang buhay ng tao, lalo na kung mahirap sila at wala silang halaga sa kalusugan nila.
Sa Ayuno ko, pinagiisipin ko ang lahat ng mga naipalagay ko. Naaminin ko ang mga maling naipalagay ko. Tinanggal at pinalit ko ang mga mali sa asal ko.
Tatlong taon na di ako nagyoyosi ni di ako nagkakape. Kaya kong ulitin ang pagbabago ng ugali katulad nito. Lahat ay galing sa isip lang.
Hindi ko sasabihin na bisyo ang mga ginagawa o ginagamit ko noon dahil may mabuti din kung di araw-araw ang pagagamit.
Nagiba na din ang mga inaasam ko. Nais ko na makilala ng mga anak ko ang lolo nila, si Dad.
Tilang pagbalik ko mula sa unang lakbay sa Accra, biglang nagiba ang asal ni Dad. Nagumpisa siyang nagtatakbo sa treadmill. Salad lang ang kinakain niya. Pumayat siya at naging mabuti ang blood-sugar levels niya.
Pagtingin ko kay Dad, dahan-dahan siya at inaalagaan niya an katawan niya. Ngunit kahit tumitiyak ni Eric sa akin na mabuti sa kanya, naaawa din ako pag nakikita ko ang sinusuot ni Dad upang hindi siya naghihilik.
Dahan dahan lang.
Muntik muntikan ang nabalita sa akin kay Tito Manny sa huling taon, kasabay sa balita kay mang Mando.
Maiksi ang buhay.
Baha
Ngayon, kababalik ko sa Brooklyn mula sa Rhode Island. Kasama ko ang band The Volunteers kagabi.
Nabalita sa akin ni Pating na bahang-baha ang Metro Manila dahil sa bagyo.
Pilipinas at bayan kong Pilipino, sa inyo ang mga panalangin ko.
~ Ang pagkakayaman ay galing sa kalusugan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment