Habang nagsasalita kami ng English, tinuturo ni Dad sa amin magkakapatid ang wikang Tagalog din. Samantala, kalahating Ilokano ako. Ngunit di ko kilala ang wikang Ilokano.
Nakakatuwa ito pagsinasabi ni Nanang.
Turuan mo naman ako, kinukulit ko si Nanang.
Ayaw daw niya.
Para daw meron siyang mga itatagong mga sekreto.
Naku. Talaga, ikaw ang sarili mong sagabal.
Nakakatuwa na magrereklamo siya na kaming magkakapatid ay "hindi nakikinig."
Paano naman kung ayaw mong turuan kami ng Ilokano at di ka din hasang-hasa ng English?
May tanong sa test niya: "haste makes ____"
Sinagot ni Nanang sa test niya "haste makes happy."
Naku.
Meron akong project "Flowers In The Sand."

Ito'y tungkol sa mga lahing Garinagu. Ang wika nila ay Garifuna. Tunuturo nila ang wika at ang kultura sa kanilang mga anak. Kahit kung pinanganak ang bata sa States, tinuturo pa din iyon.
At bakit hindi? Ang yaman din ng kultura ng pinanggalingan natin. Mayaman ang kulturang Pilipino.
Siyempre, kailangan hasaan ang English dahil ito ang lingua franca ng mundo: ito ang wika ng pagnenegosyo.
Hindi uunlad ang tao ni ang bansa o bayan kung di sanay sa English.
Totoo din na kung di mo alam kung saan ka galing, di mo din alam saan ka papunta.
Mararami akong kilala mga kalahing Pinoy na di alam nila ang wika. Sa batas ng bansa, Pinoy din sila dahil sa dugo (jus sanguinis).
Ngunit Pilipino ka ba kung hindi ka nagpapataas ng kayamanan ng kulturang Pilipino?
Pilipino ka ba kung di mo alam ang pagkakaiba ng wikang Tagalog at wikang Pilipino?
Pilipino ka ba kung katulad mo ang mga ibang dayuhan dito na di mataas ang hangad sa sarili at sa bayan?
Sa Amerika, kung nais mong magtrabaho at maglikha ng pera, makukuha mo ang green card at pagkamamamayan.
"Freedom" ang katangian Amerikano.
Ano ba ang katangian Pilipino?
~ Dahil sa iyo.

No comments:
Post a Comment