Tuesday, July 14, 2009

Pating

Pating.








Kapatid kong Pating, siya'y parang bituwin
Hindi pangit, matalino din.
Kung makikinig sa akin, malaki ang ganti
Di lang niya aaminin, huwad na alahas ay makati
Tilang nakikita ko ang sarili ko,
at sana sundin mo ang aking payo
Dahil kung sana lang may sasabihin ako
sa iyo, kapatid ko, sana tayo ay magkasundo
Tuloy sana pakinggan mo na ako
Dahil ikaw, Pating, ikaw ang mahal ko



...



Nagsusulat ako dahil kaya kong lumingon so mga lumang sulat ko at kaya kong sabihin
"ako iyon" at kasabay ang "hindi na ganyan."
Matagal na ang pagsusulat ko huli. Nangyayari ito pag mararami ang kailangan gawin. Mabuti din kung meron akong ginagawa dahil ayaw kong pagiisipin ang masama.
Lalo na dahil mararaming taong namamatay.
Hindi ako magsisinungaling at sumasakit ang tiyan ko pag naiisip ko na di ko na makikita ang mahal kong si Mamang Rosita.
Namatay ang aso ni Dada na pinangalan "Queen Sheeba." Dahil siya'y malungkot, nakakalunos ang huling salita niya sa akin. "I love you," kamo.
Pinuntahan ko ang lamayan ni Mr. Valenti, isang substitute teacher sa CHS na mahal ng mga estudiyante. Sa lamayan, limang tao lamang ang sumipot. Sa isang huling show ng Root Philosophy - Jamnesty sa Maplewood - itinanda ng mga estudyante ang mga karamdaman nila sa isang kartolina. Pinuno. Handog ko sa biyuda niya.
Mga housemates ko si Jackie at si Morgan, namatay din ang mga lola nila.
Kilala ko si Kyle at hinayag niya sa Facebook na namatay ang lola niya.
Sa huling taon, namatay si Mang Mando sa gabi ng retirement part niya. Alaala ni Nanang na sinasabi ko na susunduin ko si Mando pag may malaking film shoot ako para maranasan niya ang mabilis na highways sa States.
Tapos namatay si Michael Jackson, isang malaking artista. Kahit kung di ko siya pinapakinggan ngayon at may mararami akong walang alam sa buhay niya, di ako magsisinungaling at ang alingawngaw niya'y maririnig musika ko.
Di naman manhid ang utak ko.

Pero kung masama ang pakiramdam ko sa balita na namatay ang tao, ibig sabihin may sisi ako.
Di ako nagsisisi.
Kung kasama ko ang tao, nais kong ipaliwanag ang araw mo at para di ka nagiisa sa gabi.
Habang tayo'y magkasama, malasap ko ang pagkaibigan natin.
Kung mawala ka sa daigdig na ito

habang
buhay
ka
pa,


ikaw palagi ang nasa isip ko.


Magiisa tayo kung kailan tayo susunduin ng maykapal. Kahit kung ang kapaligiran mo'y mga mahal mo, ikaw lang ang may alam kung kailan ka susunduin.


Tuloy


Habang tayo'y magkasama dito sa lupa

ang asal na ay dapat tulad ng sa langit.




~ Naging kapal ang balat, naging kapal ang mukha.

No comments:

Post a Comment