Thursday, January 8, 2009

Pagtutulog at pagbabangon

Pag natutulog ako, ang pakiramdam ay namamatay ako ng kaunti. Bumabagal ang hininga ko. Tapos nalilimutan ko kung anung iniisip ko bago ako'y tulog na.
Sa umaga, pumipikit ako ng kaunti dahil wala akong pagkamalayan. Parang nalimutan ko bakit ako'y gising.
Parang di ganoon ang pakiramdam pag ako'y bagong lipat ng bahay.
Noon bago pa lang kami sa States, naaalaala ko na di ako natutulog ng madalas at palagi akong gising ng maaga. Sa mga apartments na natirahan namin sa NYC at NJ, alam ko na madalas ako gising ng maaga.

Kailangan kong balikan ang pakiramdam na iyan. Iyan ang pakiramdam ko noon na dalawin ko ang Buenos Aires, Accra, at London.
Parang di ko alam ano ang mangyayari sa susunod na minuto doon. Parang di ako kinakabado at may tiwala sa mabuting kaluluwa at ang pagiiba ng bagong lungsod.


Iyon ang pagaaralin ko. Iyon ang masarap na pakiramdam dahil masigla iyon.
Kailangan kong pagaaralin paanong uulitin ang pagbabago.



Ayaw kong sabihin na ayaw akong gumising. Ayaw ko ang pakiramdam na tinatamad akong bumangon.

No comments:

Post a Comment